Hango sa totoong pangyayari ng isang pinay na nakipagsapalaran sa Amerika, iniwan ang magandang buhay sa Pilipinas upang samahan ang asawa sa ibayong lugar. Isang napakalaking desisyong nagpabago sa takbo ng kanyang buhay. Pinagmalupitan ng asawa, pinalayas at napadpad sa isang estrangherong babae na nakilala lamang sa eroplano. Itinuring na kakampi, kaibigan, kapamilya, kapuso pero ginawa siyang alila at alipin. Dahil si Karen ay maganda, sexy, at matalino dalawang lalaki ang nabighani sa kanyang kariktan. Unang minahal niya si Linsey, isang ubod gwapong nilalang, kahawig nito si Tommy Cruise. Ang buong akala niya magiging maligaya na siya sa piling nito, pero nagkamali si Karen dahil si Linsey ay ubod ng palikero huli na nang nalaman niya ang katotohanan. Ang pangalawa ay si Jeff, ang kanyang boss, kahawig naman nito ang New Zealand Hollywood actor na si Carl Urbano, mapapaibig kaya siya nito? Gayong ang puso niya ay napagod na at ayaw ng maniwala......
Halos dalawang beses muntikan ng magahasa, pinagbintangan at nakulong. Sino sa dalawang lalaki ang misteryosong tumulong kay Karen, nagpiyansa ng napakalaking halaga upang makalabas sa kulungan?
Isang kakaibang makabagbag damdaming tunay na kwento ang magpapaiyak ng todo-todo, yayanig sa bawat puso ng mamayang Pilipino.