Why Blame The President - 1 (Tagalog Edition)
📄 Viewing lite version
Full site ›
Book Details
ISBN / ASIN1502527030
ISBN-139781502527035
AvailabilityUsually ships in 24 hours
Sales Rank99,999,999
CategoryLiterary Collections
MarketplaceUnited States 🇺🇸
Description ▲
(Foreword) Ang Aklat na ito ay tinipon at pinagsama-samang sinulat na samut-saring mga artikulo, pahayag, ulat, istorya, e-kalatasan, tula, pakiusap at mga mungkahi sa madla tungo sa pagpapabuti ng buhay sa ating Inang Bayan. Ang sadyang layunin ay ilantad ang mga kaisipan, hinaing, pangarap, layunin at maging mga mithiin ng ating lahi tungo sa pagiging mariwasa, masagana, maginhawa at kaayaaya ang buhay ng lahat na mga mamamayan. Dito’y itinatanong: Si Emilio Aguinaldo nga kaya ay Isang Bayani? At itinanong din: Bayani nga kaya si Ninoy Aquino? Gayunding tinalakay ang tungkol sa dinanas na buhay ng Mananakop na wala sa Bibliya – simulang siya’y isang baguntao at hanggang sa nung siya’y nangangaral na sa madla sa lupain ng Judea sa Israel. Tampok din ang isang mungkahi na kaayon sa panawagan ng Unang Miss International – Gemma Guerrero Cruz – na maglunsad tayo ng isang 25-YEAR DEVELOMENT PLAN para sa ating bansa. Ang iba pang mga nilalaman ay tinipong mga sinulat ni Irineo Perez-Goce, isang naglingkod sa PQOG (President Quezon’s Own Guerillas); sa Liberation Forces; sa Pamahalaang Commonwealth, hanggang nagretiro sa pagiging Lingkod-Bayan (Government Service) nung Hunyo 15, 1991; at maging sa mga taon pang sumunod, kahi’t wala na sa Pamahalaan. Nagsikap siyang mag-aral sa hayskul at sa kolehyo, nguni’t dahil sa karalitaan ay dalawang ulit na naglakad mula sa PSC sa Lepanto, daan sa Tulay-Mabini (Nagtahan) patungong Pandacan at hanggang sa tinitirahan sa Sta. Ana, Manila. Iniwan ang pag-aaral at naging kawal sa Signal Corps, AFP simulang Marso 2, 1951; napadala na Special Detail sa Press Office in Malacanang, Disyembre 1, 1954. Sa payo at amuki ng isang may malasakit na first grader sa Serbisyo Sibil – Pedro Z. Aguilar, taga-Isla ng Lubang, Mindoro Occidental – si Goce ay nakiusap na magbitiw, nagpaalam sa Army at nag-sibilyan na nung Nob. 16, 1961; at patuluyang naglingkod bilang Reporter (1963-1974) sa President’s Study Room. Nag-One-Man Rally siya tungkol sa Wika. Kinutya sa Inside Malacanang kolum ni Celso Cabrera dalawang Miyerkules (Hunyo 24 & Hulyo 1, 1970) sa dyariong Manila Chronicle. Nung ang Batas Militar ay nadeklara, maraming mga taumbayan ang nalito. Si Goce ang itinoka ni Press Secretary “Kit” Tatad na mangasiwa para sumagot sa mga tawag sa 10ng telefono. May isang Reporter na tila Kano, na nung tumawag at Ingles ang mga tanong, eh laging sa Tagalog ang sagot ni Goce, kasi’y inis na rin; dalawang gabi na walang tulog. Nag-tungayaw na lang si Kanuto; pinagbagsakan siya ng telefono at malamang ay nagsumbong kay Press Secretary Tatad. Matindi ang paniwala ni Goce na iyon ang dahilan kung bakit siya’y ipinatapon -- exiled o na-destyerro (euphemistically) sa London – para mahasa o magsanay mag-Iningles, sa Central Office of Information, courtesy of the British Council; and as Guest of Her Majesty, the Queen of England! Sikat! Bigat!? Isa rin siyang Kasapi ng Masoneriya, na Pandaigdigang Kapatiran; ng Order of the Knights of Rizal (nguni’t Inactive) at Life Member din ng Philippine Mental Health Association. Isinulat din ni Goce and kanyang mga karanasan, paraan sa Opisyal na Ulat sa Pamahalaan; lalo’t higit ang magandang palakad sa London Transport, na kung sakali ay makatulong sa masalimuot na trafik sa Maynila; maging ang mga kahirapan ng ibang mga kalahi na sa Britanya naghahanap-buhay. Sa lahat niyang pagsusumikap ay matindi ang hangad na sana ang ating bansa at lahi ay maging mariwasa, tungo sa pambansang pagkakaisa – PARAAN SA INANG WIKA – salig sa sinabi ni Rizal na “Ang alinmang bansang wikang hiram ang siyang gamit ay lahing walang-palad sa balat ng lupa;” upang buhaying muli ang mga inadhika ni Rizal nung itinatag niya ang La Liga Filipina, at pairalin ang isang Pambansang Kooperatiba -- na nilusaw ng mananakop na mga Kastila, . . . (more inside)
More Books in Literary Collections
C.S.Lewis Essay Collection and Other Short Pieces
View
Concise Anthology of American Literature
View
Unholy Ghost: Writers on Depression
View
Small Wonder: Essays
View
Small Wonder: Essays
View
The Best American Magazine Writing 2004
View
Writing Past Dark: Envy, Fear, Distraction and Other D…
View
High Tide in Tucson: Essays from Now or Never
View
Essays of E. B. White (Perennial Classics)
View