Project: Ang Balat sa Pwet ni Jopet
Book Details
Author(s)justalittlehope .
ISBN / ASIN1500323861
ISBN-139781500323868
MarketplaceFrance 🇫🇷
Description
Nakaluhod akong nagdarasal sa chapel sa campus kanina. "Lord, pwede bang matulog ako dito, gisingin niyo na lang ako pag wala nang balat ang pwet ko? Sawang sawa na kasi ako sa mga kamalasan at sablay blues ko eh. Lord, busy ka ba? Queueing ba ng prayers ngayon? Pero Lord, unahin mo na ako please. Halos eighteen years ko na'ng panalangin ito eh. Parang awa niyo na po!" Madalas akong ma-carried away pag nagdadasal kaya napapalakas lagi boses ko ng di oras. Pero nang pagkakataong iyon, mukhang mas nangangailangan yung bata sa likod ko. "Papa Jesus, sana pahabain niyo pa po buhay ng nanay ko," pagsamo niya. Napahinto ako. "Bagsik mo Lord, sige na nga, siya na po unahin niyo." Hmp! Si Lord talaga.
