Topsy-turvy Tale (Tagalog Edition)
Book Details
Author(s)Gesrale M. Alvez
ISBN / ASIN1505373530
ISBN-139781505373530
MarketplaceFrance 🇫🇷
Description
Si Sebastian o Seb, isang brokenhearted sa lugar ng Batanes. Nag-iisa, nag-i-emote, gustong makalimot, gustong makaalis sa entablado ng “sobrang in love,†at gustong makaiwas sa pangungutya ng mga kaibigan. Isang araw nang pamamahinga mula sa malalim na pag-iisip, at mula sa pagdidildil ng asin sa pagkabigo sa babaeng nang iwan sa kanya sa altar—ng literal—ay may dumating na isang babae… marungis, masangsang ang amoy… Isang babaeng hindi gugustuhing makita ng isang lalaking brokenhearted na tulad ni Seb. Humingi sa kanya nang tulong ang babae. Makikitira daw ito nang ilang araw—si Kim—sa kanya upang magtago. Lintik, dahil kapangalan pa ng babaeng sanang pakakasalan niya sa Manila Cathedral. Wala na siyang nagawa nang walang sabi-sabing dumiretso ito sa loob ng bahay niya na takot na takot. Paano kung pagkatapos nitong maligo at malaman niyang isa pala itong dyosa sa ganda, ano ang gagawin niya? Paano kung magtapat ito ng pag-ibig sa kanya gayong ayaw pa niya sa commitment pero nakuha na nito ang virginity niya? At lalo na ay balot siya ng pangamba at nahihirapan siyang mag-isip dahil nakasuot ito palagi ng roba?
