⭐ Ratings & Reviews
No reviews yet — be the first!
No reviews yet.
📖 Description
Hindi nababasa ng karamihan ang buong nobela ni Jose Rizal. Halos lahat kasi ng ibinebentang "salin" sa Filipino ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay mga halaw lamang at sinulat ng mga ni hindi rin nakabasa sa orihinal na mga nobela sa wikang Espanyol ng ating pambasang bayani. Ito ang nag-udyok kay National Artist Virgilio S. Almario para isalin ang mga nobela ni Rizal batay sa facsimile na inilathala ng National Historical Commission. Ang salin ni V. S. Almario ang itinuturing ngayong pinakakompleto at makabagong salin sa Filipino ng mga nobela ni Rizal.