JENNY! (Ang Buhay Ni Jenny! Book 1) Buy on Amazon

https://www.ebooknetworking.net/books_detail-B00ECI6B5O.html

JENNY! (Ang Buhay Ni Jenny! Book 1)

Book Details

ISBN / ASINB00ECI6B5O
ISBN-13978B00ECI6B59
Sales Rank747,331
MarketplaceUnited States  🇺🇸

Description

Ito ang unang serye ng librong pinamamagatang "Jenny" na kung saan pinakilalat, pinamulat sa inyong taga subaybay ang totoong buhay nang karamihang pinagkaitan nang kaginhawaan sa buhay.

Ang librong ito ay tumutukoy sa totoong buhay nang tao, na karamihan ay namulat sa kahirapan, naging paralisadot nakakulong sa rehas nang kawalan. Ang bawat isa sa atin ay may kanya kanyang pangarap sa buhay na, mahalin, makaahon sa rehas nang kahirapan, at higit sa lahat maging masaya na siyang simpling pangarap nating mga nilalang! Ngunit ang simpling pangarap na ito ay tila ba isang malagim na bangungot na kahit ang paggising ay siyang rehas parin upang makawala sa napaka lagim na bangungot nang ating gabi.

Pinanganak si Jenny, sa lugar nang kung saan ang kadalasang mga taong nakatira dito ay nag mula sa ibat-ibang sulok ng Pilipinas. Namulat si Jenny, sa mundo ng Squatter, na kung saan ang naninirahan dito ay walang karapatang magtayo ng kanikanilang bahay sapagkat wala itong pinanghahawakang papel na sila ang may nagmamay-ari ng lupang kinatatayoan ng bubong nila. Sapagkat sa kabila ng bakanting lupang ito sa mahabang panahon, ang tunay na nag mamay-ari ay babalik at ang mga taong nagsipag tayo ng bubong ng kanyang lupain ay walang magagawa kundi ang gibain ito nang walang pasubali. Lumaking salat sa kabuhayan si Jenny, na syang isa sa libo-libong probelema ng karamihang populasyon nang Pilipinas ang “kahirapan.”
Donate to EbookNetworking
Prev
Next