Buhay at Pag-ibig Buy on Amazon

https://www.ebooknetworking.net/books_detail-B00ITZDYK6.html

Buhay at Pag-ibig

Book Details

ISBN / ASINB00ITZDYK6
ISBN-13978B00ITZDYK2
Sales Rank2,800,723
MarketplaceUnited States  🇺🇸

Description

Sinikap na ang matutunghayan sa aking aklat ay pawang batay sa mga tunay na pangyayari sa loob ng nakaraang panahon. Hindi ako naging taliwas sa katotohanan. Nasabi ko noon na kung sino ang nagsisinungaling ang siyang madaling paniwalaan. Palibhasa, karamihan sa aking mga akda ay kathang isip lamang. Ang gusto ko noon ay magpaligaya, kung tama o kaya’y mali ang aking sinulat, nasisiyahan na rin ako; basta ang aking mambabasa ay natutuwa sa akin. Wari’y isang talinghaga, kung kailan pa hindi tama, ang mali, ay ano kaya ang tama.

Sa panahong dumako na ako sa huling yugto ng buhay, sadyang nararapat na magbago na ng gulong, patuluyin ang bagong anyo, gumalang sa lahat ng dalisay at wagas sa paningin ng Maykapal, sa aking kabiyak ng dibdib, mga anak, at mga apo.

Nais ko nang mag-iwan ng bakas na sunong ng Diyos, iisa ang paris ng mga yapak, ng isang malinis, walang bahid dungis na talambuhay na sumasagisag ng aking matibay, marangal, at matatag na kahapon, salamin ng kasalukuyan at walang anumang maruming batik sa aking kinabukasan. Tuloy, aking banyuhay!
Donate to EbookNetworking
Prev
Next