The Skymaster (Tagalog Version): Ang Kasaysayan ng mga Dreamriders - Pangalawang Aklat
Book Details
Author(s)Sean Sanchez
ISBN / ASINB01EVH732K
ISBN-13978B01EVH7329
Sales Rank1,349,655
MarketplaceUnited States 🇺🇸
Description
Galing sana talaga ng maging Dreamriders, makakapaglayag ka ng walang hustle kung saan-saan, at lumilipad ng wala man lang flying carpet... at di tulad ni Superman na may gamit pang kapa. Sa totoo lang wala nga pati sarili mong katawan, na tinatawag naming drifting (tulad ng paglalayag ng mulyo). Kung iyon lang sana, ang sarap-sarap sana ng buhay ko, kaso ang nakaka-asar, hindi nga. Sabi nila, kapalaran ko raw ito, KAPALARAN kong magpunyagi, hindi lang masiguro kung para sa Masama o Kabutihan. Una, nang ako’y bagong silang, tinangka akong pataying ng taong malapit sa akin, ng dahil sa tinatawag nilang ectoplasm ko daw, Na pinaniniwalaang makapagbibigay ng imotalidad. Kalokohang paniniwala na nakuha sa lumang misteryosong libro. Buti na lang may nagligtas sa akin at ipinagpalit ako sa ibang sakiting sanggol (suma-Diyos sana ang kaluluwa niya), kaya heto ako, buhay pa. Ngunit hanggang kailan? Kasi mayroon na namang kabulugtusan isinusuka ang lumang bwiset na libro, tungkol daw sa aking first-blood (unang pagdurugo) na agad na namang siyempre nakapagbigay ng bagong idiya sa taong gustong pumatay sa akin, na pinaniniwalaan na naman niya na makapagbibigay ito ng kapangyarihan o ang walang tigil na pagnanais ng imortalidad. Ang gusto niya kapangyarihan at imortalidad, subalit ako, nais ko lang sana ng normal na buhay ng teenager, at huwag sana sabihing nagmamalabis, sana masunog at mawasak ko ang demonyong bwiset na librong tinatawag na Skymaster.
